DALI-DALING iniwan ni Izaria ang kusina nang malamang walang tao roon. Kabado siyang bumalik sa sala at panay ang linga sa kusina baka bigla siyang may makita roon. Pagkadako niya sa sala ay saglit niyang sinulyapan sa kusina, wala siyang nakita. Eksaktong paglingon at huling hakbang niya ay bigla siyang bumangga sa isang bulto. “Anak ka ng multo!” pasigaw at gulat na gulat na bulalas niya. Halos mapalundag siya nang mas maingay pa sa sigaw niya ang tili ng nakabangga niya. Nagkagulatan sila ng babae. Nang magkatinginan ay lalo silang nagtilian, nanabik sa isa’t isa. “Shelly! Ikaw pala, bruha ka!” galak na galak na gagad niya. Napayakap siya kaagad sa kaibigan. “Ginulat mo naman ako. I miss you so much, friend!” sabik din na saad ni Shelly. Magkayakap sila ni Shelly nang sabay nilang

