MAAGA pa lamang ay bumiyahe na si Virna papuntang San Fernando. Mag-isang naiwan si Izaria sa bahay. Gumayak siya nang maalala na ngayong araw ang pagpunta ni Rainan sa bukid. Araw ng pagtatanim ng mais at iba pang mga produkto. Nagdala rin siya ng mga painting tool niya para magsagawa na naman ng panibago niyang obra. Ilang araw rin na napadalang ang pagpipinta niya dahil abala sa pagbuhos ng panahon kay Rainan. Gamit na naman niya ang scooter ni Virna papunta sa bukid. Damang-dama na niya ang pananabik at tuwa habang naglalakad sa pilapil. Sariwa ang hanging sumasalubong sa kaniya. Hindi pa naman gaanong tirik ang araw kaya hindi na siya nagdala ng payong. Patungo siya sa kubo. Natatanaw niya sa bandang malayo ang dalawang planting machine. Iniisip niyang ginagamit iyon sa pagtatanim

