ALAS-SINGKO ng hapon nang makabalik si Izaria sa bahay ni Virna. Wala pa ang kaibigan. Sinubukan na niya itong tinawagan para yayain ito na pumunta sa mansiyon. Pinabatid naman sa kaniya ni Virna na gagabihin ang uwi nito. Plano pa lang niyang tunguhin ang kaniyang grandia van nang unahan na siya ng text ni Jean. Nag-message ito na susunduin siya nito. Sumang-ayon naman siya at nag-abang sa labas ng gate. On the way na kasi si Jean. Pinadalhan na lamang niya si Virna ng mensahe kung saan siya nito matatagpuan. Wala pang sampung minuto na paghihintay niya ay dumating si Jean lulan ng kotse nito. Masayang mukha ni Jean ang bumungad sa kaniya nang buksan nito ang bintana sa driver’s seat. “Come inside, Iza!” alok nito sa kaniya. Kaagad naman siyang tumungo sa passenger’s seat. Magkatabi s

