BOOK 2 SPECIAL CHAPTER: DEMONSTRATED POWER

1089 Words

"Pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo..." sabi ni Raf. Nagtakbuhan ang mga bata sa ampunan. Magkahawak ng kamay sina Angeli at Jane habang tumatakbo para magtago. Kasunod nila ang kambal na sina Rei at Reign. Nassa hulihan si Ivan. Nakita nila ang bodega na nasa likurang bakuran ng ampunan. Doon nila naisipang magtago. "Dali, bilisan ninyo!" impit na tili ni Jane sa mga kasunod nila. Nang makapasok ang lahat ay agad nilang isinara ang pinto niyon. "Maghanap na tayo ng pwedeng pagtaguan dito. Huwag kayong maingay." Maliwanag pa rin ang loob ng maliit na bodega buhat sa liwanag na pumapasok sa bintanang rehas at gawa sa bakal. Nakapagtago ang kambal sa likod ng malaking storage box. Si Levi naman ay nakapagtago sa loob ng cabinet kasama si Jane. Nahiwalay si Angeli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD