Kasalukuyang sila ngayong dumadaan sa matinding pagsasanay ng tamang pagsusuot ng mga damit, sapatos, aksesorya at ang nabanggit kanina ni DIvine na makeup. Nakatambad lahat ang mga iyon sa harap ni Sabel at hindi mawari kung para saan ang mga abubot na nakikita niya. Inisa-isa ni Sabel ang mga damit. May mahabang tela na malambot at masarap ipulupot sa katawan. Makulay ito at may mga burloloy sa magkabilang dulo. "Ano ito?" "Sarong ang tawag diyan. Ibinabalabal sa swimsuit kapag nasa beach ka o tabing-dagat," paliwanag ni Divine. "May dagat sa amin pero walang ganitong kagamitan. Wala naman akong reklamo dahil maganda siya." Binitiwan ni Sabel ang sarong saka dinampot ang katabi nitong kapiranggot na damit na kulay puti. Trianggulo ang sa baba nito na katulad ng suot niya ngayon sa pan

