Napakaraming natutunan ni Sabel sa kalahating araw na pagtuturo ni Bal sa kanila ng mga kasangkapan sa bahay. Ang huling itinuro nito ay ang paggamit ng cellphone. Maaaring makausap ang isang tao kahit pa nasa malayo ito. Maaari ring padalhan ng mensahe gamit ang texting. Pinaglaruan pa nila ni Antonio ang mga cellphone na bigay ni Kuya Bal niya sa kanila. Nagpalipat-lipat sila ng lugar sa bahay saka nagtawagan at nagpadala ng mensahe sa isa't isa. Nagkakatuwaan pa rin sila nang tumunog ang door bell. Lumabas si Sabel para pagbuksan ang bisita. Bumungad sa kanya ang isang babaeng halos matanda lang sa kanya nang kaunti. Maputi ito at may singkit na mga mata. Maliit ang ilong at manipis na mga labi. Balingkinitan ang katawan nito at mas maliit sa kaniya. Nakasuot it ng puting bestida na

