Umaga, ito ang unang araw na magsisimula silang matuto ng mga bagay-bagay ukol sa kasalukuyang panahon. Pagbaba ni Sabel ay nadatnan na niiyang nas salas ang mga kasama sa bahay. Napanganga si Antonio sa taglay na ganda ng kababata. Nakasuot ito ng bulaklaking dilaw na bestida. Abot ito hanggang lagpas tuhod at hanggang siko ang manggas. Litaw ang taglay na kaputian ng dalagita at ang ganda ng hubog ng katawan nito. "K-kumusta ang tulog mo, Sabel?" nauutal na tanong ni Antonio. "Maayos na maayos. Malambot ang kama." Naupo siya sa pang-isahang upuan. "Muntik lang akong malunod sa banyo kagabi dahil sa pagkabigla sa dutsa." Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga. Napahalakhak si Antonio. "Hindi ka nag-iisa. Akala ko mamamatay na ako kagabi sa banyo. Nakapapanibago ang lahat dito. Pati

