Kasalukuyang nakatitig sa napakagandang silid si Sabel. Hindi pa rin siya sanay sa mga nakikita niya sa kasalukuyang panahon. Lahat ng makita niyang kasangkapan ay wala sa panahon na pinagmulan niya. Maging ang pagpasok sa silid na ito ay nahirapan siya. Nahihiya man ay tinawag pa niya ang Kuya Bal niya kanina para lang turuan pa siya kung paano pihitin ang seradura ng pinto. Door knob daw ang tawag doon sa salitang Ingles. Itinuro ni Bal ang higaan at tinawag niya itong kama. Itinuro nito ang isa pang pinto na nasa dulo ng silid. Iyon daw ang banyo. Nais sana siyang turuan ng Kuya Bal niya kung paano gamitin ang mga nasa loob niyon subalit tumanggi na siya. "Kaya ko na ito, Kuya Bal. Malaking abala na ako sa iyo. Ako na ang bahalang umalam sa paggamit ng mga bagay-bagay na narito para

