Lumitaw sila sa loob ng isang malaking mansyon. Napanganga si Sabel sa itsura nito. Ngayon lamang siya nakakita ng ganitong struktura. Ang sala ay napakaluwang, kulay puti ang sahig na marmol na ipinares sa puting pader, at kulay kayumnggi ang hagdan paakyat sa ikalawang palapag. "Ang gandang bahay nito, Kuya Bal!" bulalas ni Antonio. Inilibot ang paningin sa kabuuan ng mansyon. "Di hamak na mas malaki at mas maganda ang bahay na ito kaysa sa mga Alvaro!" "Dito tayong lahat maninirahan habang nagsasanay tayo kung paano makisalamuha sa mga tao. Aaralin natin ang pananalita, pananamit, pagkilos, mga kagamitan at teknolohiya sa panahong ito. Mag-aaral din tayo ng iba pang lenggwahe na ginagamit dito maliban sa salitang Kastila," paliwanag n iBal. "May ibang lenggwahe tayong dapat aralin? H

