DECEMBER 2001 Nakarating ang grupo nina Bal sa tapat ng itim na tarangkahan ng Bahay Ampunan ng mga Anghel. Hindi kita ang loob ng looban at mataas ang tarangkahan nito maging ang pader na nakapalibot sa ampunan. Kasalukuyang madilim nanang makarating sila. Malamig ang hangin at dama ang simoy ng Pasko. Tahimik ang paligid subalit makikita ang kasiglahan sa paligid dahil sa ilang nagkikislapang liwanag mula sa maraming ilaw na nakapalibot sa ilang kabahayan. Maliwanag din ang kalsada mula sa liwanag na nagmumula sa mga poste. "Kakaiba ang pahahong ito. Masyadong maliwanag kahit gabi na. Napakaraming pinagmumulan ng liwanag at hindi na kailangan ng gasera,' namamanghang sambit ni Sabel habang inililinga ang paligid. "Ano ang nagpapagana sa mga liwanag na iyan?" "Kuryente ang pinagmumula

