"Nakalaya na ako mula sa sumpa ni Sonneillon, maraming salamat sa inyong lahat," masayang wika ni Amara. Nagbalik na ito sa dati nitong taglay na ganda. "Salamat din sa iyo, Ramiel." Napayuko ang diwata habang namumula ang mga pisngi. Narito sila ngayon sa tahanan ng albularyo. Nagbalik ito sa kanyang anyo bilang Mang Tano. "Walang anuman, Amara. Hindi kita maaaring pabayaam dahil kapatid ka pa rin ni Hilda." "Mawalang galang na ho... totoo ho bang kapatid kayo ng aking Abuela?" Kanina pa hindi mapakali si Antonio sa dami ng katanungang bumabagabag sa kanya. "Totoo. Apo kita." Ngumiti ang diwata sa kanya. "Ang bata ninyo pong tingnan para maging Abuela ko," nahihiyang tugon ni Antonio. Mukhang ilang taon lamang ang tanda sa kanya ng diwata. Napakaganda nito at napakakinis ng kutis. "A

