Malayo-layo rin ang nilakad nina Sabel at Antonio bago makarating sa loob ng kakahuyan. Nanibago sila sa paligid sapagkat nagmukhang tuyot ang karamihan sa mga tanim na puno't halaman gayong nagsisimula pa lang lumamig ang panahon. "Hindi ba tayo naliligaw? Saan ba natin hahanapin ang diwatang iyon?" Hinawi ni Antonio ang ilang sanga na lumaylay na dahil sa pagkatuyo ng mga puno. "Mahahanap din natin siya."Nagpatuloy sa paglalakad si Sabel habang sinusundan si Antonio. "Oo nga pala, nabanggit ba ni Mang Tano kung ano ang nangyari sa Abuela mo?" "Ang naaalala ko lang na laging sagot sa akin ni Lolo noon ay umalis ang Abuela ko at babalik din agad. Bata pa ako noon, hanggang sa nakasanayan ko nang kami na lang dalawa ni Lolo ang magkasama. Mula noon, hindi na ko nagtanong pa sa kanya." Na

