BOOK 3 CHAPTER 2: HELLION'S BOOK GUIDE

1303 Words

"Ano ang binabasa mo?" tanong ni Antonio kay Hellion. Nakaupo ito sa pool side at nakalublob ang mga paa sa tubig habang hawak ang libro. "Wala, naglilibang lang," depensang sagot ni Hellion. Agad na isinara ang libro at itinago sa gilid niya. Umupo rin si Antonio sa gilid ng pool saka inilublob ang mga paa sa tubig. "Masyado kang abala sa pagbabasa, ilang araw ko nang napapansin." Nagkamot ng pisngi si Hellion gamit ang kanang hintuturo. "May tanong ako." "Ano 'yon?" "P-paano mong napaamo si Sabel?" Napatawa si Antonio nang malakas dahil sa uri ng tanong ni Hellion. "Bakit ka tumatawa?" nagtatakang tanong niya. "May mali ba sa tanong ko?" "Wala naman," sagot ni Antonio. "Hindi naman kasi basta lang pinapaamo ang babae kundi sinusuyo, ginagalang at kinukuha ang tiwala bago mo makuh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD