Nakarating na rin sa bagong bahay sina Ramiel at Amara. Hindi rin sila nagkibuan habang nasa byahe. Sa parehong subdivision nina Hellion din ang bahay nila pero kulay abuhin at puti naman ang exterior ng sa kania. Malawak din ito at may mga tanim na orchids at rosas ang palibot. Sinalubong sila at inasikaso ng kasambahay na si Pipay bago sila iniwan nito. Umakyat na sila sa ikalawang palapag ng bahay pumasok sa iisang silid. Kumakabog ang dibdib ni Amara dahil tila matutulog sila sa iisang kama. Malaki ito at maluwang, pero ang isiping matutulog sila rito ay nagpapatuliro sa kaniya. "Amara," sambit ni Ramiel na bumasag sa katahimikan mula pa kanina. "Oh?" tanging sagot ng diwata. "Kasal na tayo, at bubuo ng sarili nating pamilya," saad nito. "Nais ko sanang mamuhay tayo bilang tunay

