Natapos ang kasalan at handa na ang mga bagong kasal sa pag-uwi nila. "Nakahanda na ang dalawang sasakyan na maghahatid sa inyo sa bagong bahay ninyo," saad ni Bal. "Sila na rin ang hired drivers ninyo." "K-kailangan ba talaga naming bumukod?" tanong ni Laura. "Mamumuhay na tayo bilang normal na mga tao mula ngayon," sabi ni Bal. "Kailangan ninyong magtaguyod ng sarili n'yong pamilya. May naghihintay na sa inyong katulong sa bahay ninyo na maninilbihan sa inyo. Naipahatid ko na rin ang mga gamit ninyo kanina." "Eh pero---" "Wala nang pero," putol ni Bal sa sasabihin pa sana ni Laura. "Umuwi na kayo sa inyo. Matapos ang tatlong araw, magtungo kayo sa mansyon para masimulan agad ang adoption. Kailangan na nating sumilan ang pag-aampon." Walang silang nagawa kundi makiayon at sumunod sa

