Kakapalit pa lang ng taon ay bigla na lang nag-announce si Kuya Yosef na magpapakasal sila ni Saisha Saavedra. Isang araw pa lang ang nakalipas ay halos silang dalawa na ang laman ng mga news portal. The news was all about the controversial wedding of Saisha Saavedra. Mas lalo lang umingay ang balitang ‘yon dahil iba ang alam ng mga tao na boyfriend niya pero sa ibang tao siya magpapakasal. Kalat na kalat na rin ang balita na buntis si Saisha kaya pareho silang wala ni Kuya Yosef dito sa Pilipinas. Ang alam ko ay pareho silang nasa United States pero hindi sila magkasama doon. “Your brother is really unpredictable huh? Akalain mo ‘yon, Yura? Sa sobrang pihikan ng kuya mo sa babae ay doon pa talaga siya bumagsak sa kagaya ni Saisha Saavedra! Is he trying to ruin his life or what?” Tawa n

