Nagpatuloy ang pagdalaw ni Mark sa akin sa Young Bucks Society Building habang ang alam ng mga kuya ko ay nanliligaw pa rin siya sa akin. Mukhang hindi naman sila nakakahalata na boyfriend ko na si Mark dahil may kanya-kanya silang problema na iniisip! Me: Don’t be so obvious! My brothers are here! Agad na sinend ko ang message kay Mark para matigil siya sa paninitig sa akin! Baka mamaya ay mahalata kami dahil sa ginagawa niyang paninitig sa akin! Hindi nagreply si Mark sa akin pero alam kong nabasa niya ang message ko dahil marahang tumango siya sa akin. Kagat ang ibabang labi na napasimangot ako nang mapansin na halos hindi na niya ako sulyapan dahil sinabihan ko siyang ‘wag magpahalata dahil kasama namin ang mga kuya ko! Agad na nag-type ako ng panibagong message sa kanya. Me: Ki

