Kahit na namimilit pa si Siob na mag-stay pa kami ni Mark sa resort sa Tagaytay ay bumalik na rin agad kami sa Manila kinabukasan. Mark has to go to the review center and I need to attend a project briefing for my newest project. Antok na antok ako sa byahe lalo na at hapon na kami umalis sa Tagaytay dahil nangulit pa si Siob na mag-bonding muna kami doon dahil nalaman niya na babalik na kami sa Manila. “Matulog ka muna kung inaantok ka…” narinig kong sambit ni Mark. Siguro ay nakikita niya na hikab ako nang hikab kaya pinapatulog niya ako. Agad na umiling ako at umayos ng upo. “No. Baka antukin ka rin kapag natulog ako,” agad na tanggi ko at saka pilit na gumising kahit na parang bibigay na talaga ang mga mata ko. “Ayos lang. Sanay naman ako sa byahe,” sambit niya. Umiling ulit ako.

