MARCUS AURELIUS DON’T ANSWER: Are you available today? Kumunot ang noo ko nang mabasa ang text ni Yura. Sa totoo lang ay ilang araw ko nang hinihintay na pumunta siya sa akin at humingi ulit ng tulong. Pero ngayon na nag-text na siya ay ayaw ko siyang pansinin dahil magmumukha akong desperado sa atensyon niya. Siya ang may kailangan sa akin kaya siya dapat ang lumapit. Dapat ay ipakita ko sa kanya na hindi ako interesado para mas lalo siyang ma-curious at kulitin ako nang kulitin. Sinadya kong ‘wag siyang replayan. “Available naman ako palagi pagdating sayo pero gusto kong ikaw ang gumawa ng paraan para lumapit sa akin.” Ilang sandali lang ay tumatawag na si Yura sa akin kaya kulang na lang ay itali ko na ang mga kamay ko para ‘wag akong matukso na sagutin ang tawag niya. “Nilagay

