MARCUS AURELIUS Kim Corpuz: Kuya Mak, tanong nang tanong si Ate Rizz kung kailan ka raw uuwi dito sa Bulacan. Addi Corpuz: Anniversary n’yo pala kahapon pero hindi ka umuwi at hindi mo raw siya binati, Kuya Mak. Ang daming chat sa akin. Hindi ko na alam kung anong i-re-reply. Maya Corpuz: I-block n’yo na kasi ‘yan! Nagtatrabaho nga si Kuya Mak kaya hindi makauwi! Bakit ba masyado siyang pa-importante? Hindi naman maganda. Kumunot ang noo ko nang mabasa ang sunod-sunod na chat ng mga kapatid ko sa group chat naming magkakapatid. Hindi ko halos namalayan na isang taon na rin pala akong nagsisinungaling kay Rizz. Maraming beses na natutukso na akong makipaghiwalay sa kanya lalo na at masyado na siyang nagiging demanding sa oras. Binibigyan ko naman siya ng sapat na oras kahit na madal

