MARCUS AURELIUS Kahit na bantay sarado ni Rizz ang bawat kilos ko ay parang bigla akong nawalan ng pakialam kung sasabihin niya sa mga Romualdez na may gusto ako sa kapatid nila. Ilang araw na ang nakalipas simula noong pumunta siya sa site pero hindi ko pa rin makalimutan ang araw na ‘yon. Paano ko namang makakalimutan ang araw kung kailan unang beses siyang sumakay sa sasakyan ko? Lakas loob na ni-reactivate ko ulit ang fake account na ginawa ko at saka tiningnan ang timeline niya. Kumunot ang noo ko nang makita na mukhang may balak siyang mag-attend sa isang book fair. Nang tingnan ko ang location ay nakita ko na medyo malayo iyon sa site kung saan ako pupunta ngayong araw. Habang nasa trabaho ako ay hindi mawala sa isip ko ang book fair na pupuntahan ni Yura. Iniisip ko kung anong

