MARCUS AURELIUS The universe is a constant exchange of energy, an infinite cycle of creation and destruction. Sa kapalaran ng tao, naniniwala ako na lahat ng sitwasyon na kinakaharap natin ay hindi lang basta sa isang bagay lang natatapos. Kung mahirap at magulo ang buhay mo ngayon, hindi lang doon natatapos ang lahat. The universe has a way of correcting itself. Darating at darating ang panahon na magiging maayos ang lahat at aayon din sayo ang pagkakataon. Nagsimulang maging magulo, mahirap at komplikado ang buhay ko simula noong nasangkot ang tatay ko sa isang gulo sa bangko bilang isa sa mga security personnel ng isang mayamang negosyante. Isa si Tatay sa napasama sa mga na-hostage pero pinili niya pa ring panindigan ang trabaho niya para protektahan ang kliyente. Hindi nga siya bi

