MARCUS AURELIUS Dahil nakikilala na ang Mijares Trine ay dumami nang dumami ang nakukuha nilang projects sa abroad. Ayaw ni Boss Jonas na umalis nang umalis ang mga anak niya sa bansa kaya sila ng asawa niya ang madalas na gumagawa ng mga overseas projects ng Mijares Trine. “Mag-aral ka, Mark…” Isang umaga ay nagulat ako nang puntahan ako ni Boss Jonas sa mismong kwarto ko dito sa corporate house ng mga Mijares. Halos hatinggabi na kaming nakauwi kagabi dahil sa layo ng byahe sa site na personal niyang binisita. “Po?” tanong ko. Halos kakabangon ko lang at kulang pa ako sa tulog kaya hindi ko sigurado kung tama ang narinig ko na sinabi niya. Ngumisi siya at saka naiiling na inilapag ang kung anong papeles sa harapan ko. “Well, kahit na tumanggi ka ay hindi na pwede dahil enrolled ka n

