“You know what? Engr. Corpuz is really nice, Yura…” Sabay ulit kaming kumain ng lunch ni Lander at hindi ko inaasahan na magkukwento siya sa akin tungkol kay Mark. Noong nakaraang meeting ay nalasing siya ng todo at doon natulog sa unit ni Mark. Ngayon lang ulit kami nagkita dahil nag-attend siya ng seminar kaya halos isang linggo siyang wala dito sa LEF. “Why? Because he let you sleep in his unit when you got so drunk?” usisa ko at saka tinaasan siya ng kilay. Hindi ko nakikita si Mark sa unit niya ngayon. Ang sabi ng mga kapatid niya ay naka leave siya ng isang linggo sa trabaho at umuwi sa Bulacan. At dahil may paparating na long weekend ay sasama ang mga kapatid niya sa kanya sa pagbalik niya dito sa Manila! Excited na nga ako kaya gusto ko na kaagad na mag-Friday dahil parating n

