Hindi ko alam kung gaano katagal na nag-stay si Mark sa bahay namin. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso agad ako sa kwarto dahil hiyang-hiya ako sa mga pinagsasabi nina Mommy at Daddy sa kanya! It’s because I was the one who broke up with him! Kaya bakit naman niya ako babalakin na ligawan ulit?! Nang bumaba ako pagkatapos ng isang oras ay wala na si Mark sa bahay kaya nakahinga ako ng maluwag. Pabalik na ako sa kwarto para maghanda sa pagbalik sa YBSB nang marinig si Kuya Yke na may kausap sa phone. Nakatalikod siya sa akin at hindi ako napansin kaya hindi hininaan ang pagsasalita. “I told you I’m not jealous…” sambit niya sa kausap. Kumunot ang noo ko at napatigil sa gagawing pag-akyat sa itaas dahil na-curious ako sa kung sino ang kausap niya. Wala naman siyang pinapakilalang girlfr

