Maingay na sa bahay namin dito sa Blue Meadows nang dumating ako. Kanina pa chat nang chat at nag u-update sa group chat namin ang mga kapatid ni Mark kaya natatawa ako. Yura Romualdez: Girls, nandito na ako sa bahay. Nandito mga pamangkin ko kaya mamaya na lang ulit! Habang naglalakad ako papasok sa bahay ay nagbabasa ako ng mga replies nila. Kanina pa sila nakauwi sa Bulacan at nag-u-update sa akin. At kaya pala sobrang aga na bumalik sila sa Bulacan ay dahil may lakad pa raw ang kuya nila kaya nakabalik na rin agad dito sa Manila. Natatawa ako dahil hindi raw makasagot ang kuya nila kapag nagtatanong sila tungkol sa akin. And the reason could either be he doesn’t like to talk about me or he’s just shy to talk about me! Pero ang sabi ng mga kapatid niya ay mukhang hindi naman naiin

