Parang dumaan lang ang long weekend dahil masyado akong nag-enjoy na kasama ang mga kapatid ni Mark. Ngayon na uuwi na sila ay hindi pa man sila umaalis ay nalulungkot na ako. Mukhang pare-pareho lang naman kami ng nararamdaman kaya kahit na ayaw silang payagan ni Mark na mag-stay na sa unit ko dahil sa nangyari noong nakaraan sa community pool ay ako ang pumunta sa unit ni Mark para makasama sila bago sila bumalik sa Bulacan bukas. “So, nasaan ang kuya n’yo ngayon?” tanong ko nang papasukin nila ako sa unit ni Mark. Gusto ni Kim na manood ng movie pero dahil ayaw ni Mark na papuntahin sila sa unit ko ay ako na lang ang kusang nagpunta dito sa unit niya. “Nasa gym po sa ibaba, Ate Yura. Kanina pa siya doon kaya baka pabalik na dito,” paliwanag ni Maya. Tumango lang ako at sumama na sa ka

