“Totoo ba na may ka-date ka mamaya sa swimming pool, Ate Yura?” Kanina pa tahimik ang mga kapatid ni Mark habang naghahanda kami sa pagpunta sa community pool. Pumili talaga ako ng oras na alam kong posible na walang gumagamit ng pool para naman ma-enjoy nila ang paliligo at hindi mailang sa ibang tao. Nag-angat ako ng tingin kay Maya. She is pouting her lips while looking at me and waiting for my answer. Napangisi ako dahil nakikita ko talaga ang sarili ko sa kanya. Ganitong ganito ako kapag nagseselos pero hindi ako kasing kalmado niya! “Yes, Maya. Actually, nagsabi na siya akin na papunta na siya sa community pool,” nakangising sagot ko. Mas lalo siyang ngumuso at kumunot ang noo. Tuluyang natawa na ako. Nakita ko na tahimik lang sina Kim at Addi pero mukhang nakikinig naman sa pinag

