Ramdam ko pa rin ang pag-iinit ng mga pisngi ko at ang malakas na pintig ng puso ko nang bumalik ako sa loob ng unit ko. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko matapos marinig ang mga sinabi ni Mark. “What the hell was that? Did he want me to invite him to sleep here? Parang nagtatampo pa na hindi ko sinabi na magtabi kaming matulog!” natatawang bulong ko. Hindi tuloy mawala ang ngiti ko hanggang sa nakapasok na ako sa loob. Sabay-sabay na sinalubong ako nina Kim, Addi at Maya at halatang curious silang lahat sa kung ano ang pinag-usapan namin ng kuya nila. “Nag-usap po kayo ni Kuya Mak, Ate Yura?” tanong ni Maya na agad na kumapit at yumakap sa isang braso ko. Nakangising tumango ako. “Anong sabi ni Kuya Mak sayo, Yura? Ayos lang daw na na dito na kami matulog o pinapauw

