Hindi ko alam kung gaano ako katagal na napatingin sa babaeng bumeso kay Mark at ngayon ay katabi niya pa dito sa mismong harapan ko! How could they sit in front of me? Nasa harapan ko pa naman ang tubig. Baka mangati ang kamay ko ay matabig ko at tumapon sa kanilang dalawa! “Yura?” Someone called me. Hindi ko talaga alam kung paanong papakalmahin agad ang emosyon ko kapag naiirita ako kaya alam kong sobrang obvious ng pagsimangot ko ngayon! “What?” kunot ang noong tanong ko sa kung sinong tumawag sa akin. Ni hindi ko nabosesan kung sino ang tumawag sa akin dahil naiirita ako! “What? Is that how you answer to your Boss, Yura?” Natatawa at sarkastikong sita sa akin ni Larwin Ross. Nang mapatingin ako sa kanya ay nakita kong naiiling na sinaway siya ni Engr. Gelo. Nag-init ang mga pisng

