Mark didn't come to me after I tried to break up with him that night. Siguro ay talagang nasaktan na siya sa mga sinabi ko kaya hindi na sumubok man lang na suyuin ako at makipag usap pa sa akin. Yun naman talaga ang gusto kong mangyari. Gusto kong unahin niya ang pangarap niya bago ako. Dahil nandito lang naman ako parati para sa kanya pero ang opportunity na kagaya ng project sa England ay hindi sigurado kung kailan ulit darating. I know that this is not the right way to make him feel how much he really means to me. Pero ito lang ang alam kong paraan para ituloy niya ang pangarap niya. He's becoming so attached and considerate because he's always been close to my brothers that he is constantly forgetting about himself. Siguro ay iniisip niya na dahil kapatid ko si Kuya Yexel ay maaape

