“So, how’s your date last time?” Agad na napasimangot ako nang marinig ang tanong ni Siob. I just wanted to show her that I don’t have any plan of getting back together with Mark. Pero itong si Siob ay mukhang sineryoso ang sinabi ko na makikipag date ako sa kahit na sinong ipapakilala niya. At dahil napipilitan lang naman akong makipagkita sa kanila ay walang nagyayaring maganda. Kung hindi ako late sa date ay nakakalimutan ko naman dahil sa trabaho. “That’s enough, Siob. Puro naman walang substance ang ipinapakilala mo sa akin. Puro na lang mayayaman na umaasa lang naman sa mga magulang,” naiiling na reklamo ko. Natatawang pinalo niya ang braso ko kaya kunot ang noong napatingin ako sa kanya. “Paano mo namang ma-a-appreciate yung ibang lalaki kung palagi ka na lang may hinahanap na ku

