"Anak.. Dumating na regalo ng mama mo" Si auntie jen. Tumango ako at tipid na ngumiti, nauna nang lumabas si auntie at sumunod na rin ako. Masaya nilang ibinigay ni uncle ang mga regalo na binigay raw ni mama. Taon-taon nagpapadala si mama ng regalo tuwing malapit na ang birthday ko. Kahit na alam ko na hindi naman talaga galing kay mama yon. Ngumiti ako kay Auntie at kay Uncle, nag kukunwaring walang alam sa nangyayari. Until now I still remember when my mother left me with auntie and uncle. My auntie and uncle have been my parents since my mother left me when I was seven years old. Napakabait nila sa akin at tinuring nila akong tunay na anak, hindi sila nagka-anak ni uncle kaya binuhos nila sa akin ang lahat ng atensyon at pagmamahal. Kahit inabanduna ako ng sariling ina ay hindi n

