CHAPTER 3

1725 Words
CHAPTER 3 "Sorry, but I'm not overthinking," dipensa ko. "Really? Alam mo, it's okay to feel that way, but what’s not okay is doing things just to please someone." Natigilan ako sa sinabi niya, kung magsalita siya akala mo na-experience niya na ang ganito. "Thank you for waiting, here's your order, two Lasagna, one Caramel Macchiato and one Iced Americano. Enjoy!" "Thank you!" magalang kong sagot sa server matapos niya ilagay ang mga order namin sa mesa at umalis din pagkatapos. Isa-isa namang inilagay ni Jaxon ang Lasagna at Caramel Macchiato sa harap ko. The attentiveness of this guy though. Okay, chill Sophia, in game ka na naman sa paglalagay ng meaning sa lahat ng nakikita mo. "Thank you, Mr. Jaxon." I said with a formal voice. Ngumiti siya at sinenyasan ako na kumain na. "Jaxon na lang or Asher, kung saan ka mas komportable. But I do prefer, Jaxon, tunog pangalan ng isang singer ang second name ko, eh, hindi naman ako magaling kumanta." Medyo kumunot ang noo ko sa pahayag niya dahil hindi ko 'yon nakuha agad. Not until it hit me, natawa na lang ako. "That smile really suits you," he said, staring straight into my eyes. Teka lang naman, mister... Nahiya tuloy ako sa pagsubo ng lasagna. I just smiled at him, imbes maging komportable ay feeling ko awkward na yung atmosphere. But I shake it off, baka ganito lang talaga siya makitungo. I take a sip of my drink. "So, Jaxon, what do you do?" I saw him lean on his sit then lean forward again and fix his suit. He takes a sip of his drink too before answering me. “I’m a businessman.” “Oh, okay. So, your company is into community service?” Napailing siya. “Not really, I’m the one who’s into community service most of the time.” “I see,” May gusto pa sana akong tanungin kaya lang nangibabaw yung pagiging mahiyain ko. I’m not the type of girl na super outgoing, may mga times nga noon nung bago pa ako sa trabaho ko ay nasasabihan ako na suplada, but if they get to know me more hindi naman ako ganun. Wala akong matatawag na ka-close sa opisina, well, maliban sa isa. Pero mas mabuti na rin siguro ‘yon dahil panay lang ang pangchichismis nila tungkol sa pagiging single ko. “You’re into community service too?” Tumango ako, hanggang doon lang sana ang gagawin ko, but he gestured me to continue talking. “I-I―Nag vo-volunteer ako sa isang shelter, to raise awareness about financial literacy.” “Talaga? That’s nice! I am involved in various charitable projects too, but for your information, I’m not seeking for recognition. Gusto ko lang talaga makatulong sa kapwa.” Ngumiti siya. I can feel his sincerity at kita talaga sa kanya na he’s proud while sharing that. "Hopefully, we can collaborate on future projects involving this kind of work." Marami pa kaming pinag-usapan hanggang sa ‘di namin namalayan na ubos na ang kinakain namin. Kung walang tumawag sa kanya, patuloy lang sana kami sa pagkwekwento, I can feel that he is the one initiating the conversation para maging komportable ako sa kanya, and he succeeded. It’s getting late, but the city is still alive with lights and activity, creating a beautiful and vibrant backdrop that I can't help but love. Napayakap ako sa aking sarili nang biglang umihip ang malamig na hangin, but I was surprised when a suit jacket was placed on my shoulders. Nang tignan ko kung sino ang may gawa ay si Jaxon pala. “It’s getting late, hatid na kita sa inyo?” Lord, kung ‘di mo pa nakita ang lalaking para sa akin may isa-suggest po ako. Nandito na po siya sa harapan ko. “Sophia? You’re staring at me for quite some time now, iisipin kong may crush ka na sa akin.” Ngumisi siya. I glared at him. “Kapal mo, ha! As if naman magkaka-crush talaga ako sayo.” He just laughed and led me the way outside the coffee shop. The ride to my unit was smooth, wala namang gaanong traffic na. Nang makarating kami sa tapat ng building ng condo unit ni Micah ay saktong may papalayong kotse. Bago ‘yon sa paningin ko, ‘di ko lang napansin ang plate number pero may duda na ako kung saan galing ‘yon, halos pamilyar na kasi sa akin ang mga sasakyan na naka-park dito. Lihim akong napa-iling. “Thank you sa paghatid, Jaxon” sabi ko at inabot sa kanya yung suit jacket. Kinuha niya ito at nginitian ako. Mas lalo siyang nagiging attractive kapag nakangiti. “You’re welcome, Sophia.” “S-sige, baba na ako.” I faced the car door beside me and hold its interior handle. “Wait!” “Huh?” Napatingin ako sa gawi niya at nagmadali siyang bumaba, umikot siya papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto. O-okay… “Thanks!” sabi ko pagbaba. “Ingat ka sa byahe, uhm, pasok na ako.” Nang makarating na ako sa loob ng unit ay saktong kakalabas lang din ng banyo ni Micah. Nakabalot lang ng towel ang katawan niya. “Sky?” Magkasalubong ang kilay niya ng makita ako. “Di ba ako dapat ang susundo sayo? Hindi ka man lang tumawag. Sino naghatid sayo? Nag-commute ka lang ba? Gabi na, ah.” I smirked and crossed my arms in front of me, napasandal ako sa pader. “Have you check your phone? Ilang beses ako tumawag pero cannot be reach ka, at bakit parang reporter ka kung makatanong sa akin? Ako dapat ang mag-interrogate sayo, no.” Tinaasan ko siya ng kilay. Humalukipkip din siya, wala siyang pakialam kung mahuhulog ang tapis niya. “Sky, huwag mo nang intindihin ang mga desisyon ko sa buhay, wala naman dapat i-interrogate sa akin.” Talaga ba, Micah? “Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, eh.” “Magpasalamat?” “Oo,” sumandal din siya sa pader na nasa side niya. “Dahil hindi kita nasundo, tignan mo may naghatid sayo dito. So, sino siya? Pogi ba? Medyo chinito at mala-CEO ang pormahan? Di ba, ganyan ang mga type mo sa lalaki, yung unang tingin mo pa lang sa kanya mapapasabi ka na lang na, Lord, nakita ko na ang mapapangasawa ko.” I rolled my eyes at tinanggal ang sandals na suot. “Ewan ko sayo.” Umupo ako sa couch at ‘di maitago ang ngiti. “Hala, oh! Ngumingiti siya!” “I’m not!” I look at her, “Tapon ko ‘tong sandal sayo, eh.” “Ay, nako insan subukan mo.” Hinila niya ang isang stool at umupo doon, she crossed her legs. “Sino nga?” “Nakilala ko lang siya sa gala, he’s a businessman and into community service rin.” Kinuwento ko sa kanya ang mga naganap kanina. “Uyy! Pumapag-ibig na siya!” Tumawa siya ng malakas, parang hindi naman siya masaya, more on parang nang-aasar at nagbibiro lang. Tinignan ko na lang siya ng masama. “Nanghingi ba ng number sayo?” I immediately shook my head and thought about it. Oo nga no? He didn’t ask for my number or socials man lang. She clicks her tongue teasingly while her playful smile is visible. “Bakit? Kung iniisip mong nag-assume ako o nagbigay ako ng meaning, walang ganon.” Well, part of me is hopeful, but I'm also trying not to get my hopes up too high to manage my expectations. “Mabuti naman.” Tumayo siya at inayos ang towel. “O siya, matutulog na ako. Oh, by the way, kailan nga ulit alis mo for vacation?” “Sa 31.” “Ah, okay,” Ngumisi siya na parang may naisip. Napa-angat ang gilid ng labi ko. “Don’t tell me, magbabagong taon ka na nakatambay lang dito sa condo?” “Parang ganon na nga, subalit magiging masaya naman ang new year ko sa putukang magaganap.” She winked at me. “Matulog ka na nga! Gabi na nagkakalat ka pa!” Humalakhak lang siya habang naglalakad patungo sa kwarto niya. *** “Thank you, Sophia, for representing our bank.” Puri sa akin ng aking manager tungkol sa naganap na charity gala kagabi. “You really did your task, I heard Mrs. Montemor and a son of an influential family invested in Aspire Bank.” Malawak ang ngiti na iginawad niya sa akin. “Thank you so much for your kind words, Sir. It was a privilege to represent our bank.” I politely bowed. Ilang sandali pa ay lumabas na ako sa opisina ng Manager namin. Napadaan ako sa pantry at nag-crave ng kape. As I entered the place ay nakita ko yung tatlong kasama ko na tellers na nagbubulungan sa may coffee station. Lumapit ako doon dahil doon naman ang punta ko, hindi ata nila ako napansin dahil patuloy lang sila sa usapan nila and I’m surprised dahil ako pala ang pinag-uusapan nila. “Ano kayang dahilan at single parin hanggang ngayon si Sky? Magbabagong taon na.” ani ni Tessa. “Siguro mas gusto pa niyang mag-focus sa trabaho at walang time mag-entertain ng manliligaw,” hirit naman ni Marie. “Ang sabihin niyo, choosy ‘yang babaeng ‘yan. Ang taas siguro ng standards at hindi maabot ng lalaki. Kung babaan niya na lang sana ng konti, tiyak matagal na ‘yang taken.” Natatawang sabat naman ni Sol. Napangisi ako habang tinitimpla ang kame na hawak ko. Nagpunta ako sa harapan nila at kitang kita ko ang gulat sa kanilang mga mukha. “Why would I settle for less when I know my worth as a woman? I've worked hard to build my career and my life on my terms. It's not about being too picky; it's about knowing what I deserve and refusing to compromise on my values and goals. If that's intimidating to you, then maybe you need to reassess your own priorities?" Napayuko sila at hindi na nakapagsalita matapos ko ‘yon sabihin sa pagmumukha nila. I left them dumbfounded. I guess my New Year’s resolution for next year is to assert my own desires and priorities. “You slayed, and left no crumbs, Sophia." “Aldrich?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD