CHAPTER 4

1490 Words
CHAPTER 4 “Kailan ka lang nakabalik? Kumusta na Lola mo?” I asked him after we ordered our lunch. Dinala niya ako sa isang resto na malapit lang sa bank. Aldrich is a friend of mine, nakilala ko siya during our high school days. Naging text mate ko siya at nagtangka rin manligaw but at that time I wasn’t ready to enter into relationship dahil priority ko pa ang pag-aaral. We get in touch once in a while until nung nag-college na kami, he introduces me to his friend na naging first ex-boyfriend ko. I really thought he will court me again, but he already like someone else. Noong araw na nag-apply ako sa Aspire Bank ay nagkataon na nag-a-apply din siya. We were both hired at the same day kaya kahit papano hindi ako nalulungkot o nai-stress dahil alam kong may kaibigan akong malalapitan. But the past few weeks has been rough for him, naisugud niya sa ospital ang kanyang lola. He took a leave of absence, and now he’s here, siguro gumaling na yung Lola niya. Ngumiti siya sa akin ngunit ang ngiti na ‘yon ay hindi abot hanggang tenga. His eyes were sad, then dahan-dahan siyang umiling. "She is at peace now." Nagulat ako sa binalita niya, si Lola Minda na lang ang tanging natitira sa buhay niya. I reached for his hand, “I’m sorry, Drich. Nandito lang ako kung kailangan mo ng makaka-usap.” “Thanks, Sky.” Tipid siyang ngumiti at tinignan ang magkahawak naming kamay. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig kaya tinanggal ko agad ang pagkakahawak sa kanya. “S-so, where will you spend your new year?” Pag-iiba ko ng topic. He just shrug, “Sa apartment lang siguro. Ikaw ba?” I was about to answer but a waiter came and served our lunch. “Thanks!” I smiled at the waiter. He just bowed at nakangiting tinignan kami ni Aldrich, naalala ko tuloy si Jaxon. Ganito rin yung scenario, eh. Kumusta na kaya yon? “Magbabakasyon ako sa Siargao, treat ko para sa sarili ko.” We started eating, tahimik lang kami pero pansin ko parang may gusto siyang sabihin. “M-may sasabihin ka?” Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tignan niya ulit ako. “Uhm,” Tumikhim siya. “Enjoy your vacation.” Tipid siyang ngumiti at umiwas na ng tingin. Matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa trabaho namin. Nagkahiwalay kami pagpasok ng bank, nagpunta na ako sa teller’s booth at siya naman ay dumiretso sa loob, he is one of our internal auditors. At exactly 5 o’clock ng hapon ay nag-out na ako, iniwan ko na yung mga marites. Simula pa kanina matapos ko silang komprontahin ay ‘di na makatingin sa akin ng diretso sina Marie at Tessa ngunit si Sol sa tuwing nagkakasalubong ang mga mata namin ay tinitignan lang ako ng masama. Dinedma ko na lang sila, wala naman silang ambag sa buhay ko. “Ingat po sa pag-uwi, Ma’am Sophia. Happy New Year!” Sabi ng gwardya paglabas ko ng bangko. “Salamat po, kuya Rey!” Malawak na ngiti ang pinakita ko sa kanya. “Ito po, konting regalo para sa bagong taon.” Inabot ko sa kanya ang isang Chinese ampao. Nakita ko ang pagtataka at pagkagulat sa mukha niya. I softly chuckled. “Happy New Year po.” Huli kong nasabi bago tuluyang lumakad papunta sa gilid ng kalsada upang maghintay ng masasakyan. “Sky!” Tumingin ako sa likuran upang makita kung sino ang tumawag. Si Aldrich pala na kakalabas lang din. He stands beside me, hinihingal pa siya. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. “P-pauwi ka na?” Tumango naman ako, “S-sabay ka na sa akin. Hatid na kita.” “Ha? Eh, ‘di naman ito yung daan mo pauwi. Doon ka sa kabila,” sabi ko sabay turo sa kaliwa niya. “Baka ma-traffic ka pa.” “No, it’s okay. I can manage naman.” Nagkibit-balikat na lang ako. “Sige, ikaw ang bahala.” “Wait here.” Sabi niya at nagpunta sa parking area. Aldrich is such a nice guy; he has the looks too. He’s a mix of geeky and nerdy, kaya yung salamin niya sa mata mas kumakapal. Hindi naman tumagal ang pagmumuni-muni ko nang may humintong motor sa tapat ko. Bumaba siya doon at ibinaba ang stand ng motor then he raised the visor of his helmet. “Aba, naka-NMAX ka na pala?” “Dati pa ‘yan, pinsan ko lang ang gumagamit.” Inabot niya sa akin ang isang helmet na kinuha niya mula sa u-box ng motor. “Nakabili na siya ng bago kaya ibinalik na sa akin.” “I see.” Tumangotango ako. “In fairness, ha, hindi halatang nagamit na.” Habang nasa biyahe kame ay patuloy lang kami sa pag-uusap. Namangha pa ako dahil may intercom device pala yung helmet niya. “Salamat sa paghatid, Drich.” Binigay ko sa kanya ang helmet. “Ingat ka sa pag-uwi.” Ngumiti ako at tinalikuran na siya. “Ah, Sky…” “Yes?” Lumingon ako sa kanya. Marahan siyang umiling. “Wala, happy new year, ingat ka sa byahe.” “Salamat.” Sabi ko at tinalikuran na ulit siya. *** Maaga akong nagpahatid kay Micah, around 3AM nasa airport na ako. Nagreklamo pa siya kung bakit ang aga, isang oras lang daw ang tulog niya. Kasalanan ko bang late na naman siya naka-uwi? “Huwag mong kalimutan bumili ng pasalubong.” Nakabusangot ang mukha ni Micah habang sinabi ‘yon. “Syempre naman, takot ko lang baka hindi mo na ako papapasukin sa unit mo.” Umismid siya na ikinatawa ko na lang. Hindi na kami nag-usap ng matagal dahil baka ma-late pa ako. Nakapag check-in na ako at hinihintay na lang ang eroplanong sasakyan. Hindi pala ako nakabili ng pagkain, so, I decided to go buy some food and drink while waiting. It feels strange traveling solo. Mas maganda sana kung may kasama para masaya, kasi doon naman nasanay ang karamihan. Ngunit hindi naman masamang bumyahe ng mag-isa as long as you’re happy and comfortable. It’s not bad to have a ‘Me Time’ once in a while. But hopefully, in God’s perfect time, if I have a chance to travel again, I hope I’m with my other half already. Um-order lang ako ng sandwich at hot coffee, tama na ‘to para sa akin tutal may breakfast din naman na sini-served sa loob ng eroplano. “Thank you.” Sabi ko nang makuha ang order ko. Habang inaayos ko ang bitbit ko ay may naririnig akong pamilyar na boses papalapit sa aking direksyon. May kasama pa siyang dalawa. To make sure, ay sumulyap ako sa kanya ng mabilisan at tama nga ako, siya nga. Ngunit mapaglaro talaga ang tadhana dahil nagkataong nakita niya ako. Mabilis akong yumuko at tumalikod. “Sky!” Napahinto ako sa pagtawag niya at napapikit. Bakit ko pa kasi ‘yon ginawa? Mahina akong napabuntong hininga bago siya hinarap. “Hi!” “Traveling solo?” Kuryoso niyang tanong. Hindi ko napigilang alalahanin ang nangyari noong araw na pumayag akong makipag-date sa kanya. Never again! “Obviously.” I said sarcastically. “Halata naman ‘di ba?” Tumawa yung dalawa niyang kasama. He steps forward as I step backward, nakaramdam ako ng lamig sa may binti ko. Naka-black sleeveless romper lang pala ako na pinares ko sa white blouse sa inner. Kaya pala panay tingin sa baba ng dalawang lalaking kasama niya. Namamataan ko rin siya na tumitingin din sa legs ko. Ugh! Somebody help me, please! “Samahan ka na namin, Sky.” Humakbang ulit siya. “H-hindi na, Ronald. Joke lang yung sabi ko sayo kanina, actually, may kasama talaga ako.” Saktong may dumaan na lalaking busy sa phone niya. Medyo nakalampas na siya ng konti sa akin pero hinila ko siya palapit sa akin. Laking gulat ko nang makita kung sino siya, ngunit ‘di ko na muna pinahalata kay Ronald ang naging reaksyon ko. Kailangan ko munang makalayo sa kanila. “I’m here, babe. Kanina mo pa ba ako hinahanap?” Kahit naiilang ay pilit akong ngumiti at humihingi sa kanya ng tulong sa pamamagitan ng pagsenyas gamit ang mga mata ko. Mukha naman sigurong na-gets niya kaya lang napasobra ata dahil niyakap niya ako ng mahigpit. “I’ve been looking for you everywhere. Nandito ka lang pala.” He faces the three guys, then puts his right arm over my shoulders. “Thank you for accompanying my girlfriend here,” he emphasizes the word ‘girlfriend’. “Let’s go, babe?” Matamis ko siyang nginitian, syempre kailangan ko rin galingan sa pag-akting. “Let’s go.” “Give me your luggage, ako na magdadala.” Ibinigay ko naman iyon kay Jaxon at iniwan na namin sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD