LARAWAN ng isang kalmadong babae sa harap ng press people si Vanessa habang sinasagot ang mga tanong na ibinabato sa kanya. Ni-request lang niya beforehand na i-avoid ang paggamit ng flash ng camera kung kukuhanan sila ng pictures para hindi nakaka-distract. Kahit alam niyang uneasy si Daniel ay hindi naman ito ipinahalata sa mga kaharap na press. Kaya nakaramdam ng pagka-proud dito si Vanessa. ‘Yun nga lang napansin niyang napapadalas ang inom ni Daniel ng tubig sa clear water goblet na nasa harapan nito.
“Napanuod n’yo ba ‘yung interview ni Vivienne Salonga kay Michelle Ortega on her show last night?” Tanong ng isang lalaking reporter na mula sa entertainment tabloid na Showbiz Express.
“Hindi, eh.” Sagot ni Daniel sabay iling. “I don’t have time. I have other important things to attend to.”
“I’ve seen snippets of it.” Sagot naman ni Vanessa. “I only relayed it to Daniel what I’ve seen. Pero hindi ko na tinapos. More or less, I already expected ‘yung mga sinabi niya on that interview. Hindi na ako na-sorpresa. So, instead than agonizing over her performance as playing the victim on national TV, I decided to spend the rest of my Saturday night doing something that I really love.”
“And what would that be?” Tanong naman ng female reporter ng entertainment section ng The Archipelago broadsheet.
“Online shopping.” Maagap na sagot ni Vanessa na bumenta naman sa mga nakapaligid na press dahil sinundan nila ng laughter ang remark niyang iyon.
“Sir Daniel, ikaw naman ang tatanungin ko.” Sabi naman ng isang nakakalbong reporter ng showbiz talk show na Chicka Avenue na pinapalabas sa Alliance Network ni Daniel. “Anong naramdaman mo nung nalaman mo ‘yung mga sinabi patungkol sa ‘yo ni Michelle du’n sa interview niya with Vivienne? Palagi niya kasing nire-reiterate how you tricked her. Para kasing pinalalabas mo raw na short-lived fling lang ang sa inyo ni Vanessa pero in truth seryoso na pala ang estado ng relasyon n’yong dalawa.”
“It really didn’t bother me much. My relationship with Michelle, especially the last few years has been rocky.” Mukhang cool and composed na sagot naman ni Daniel. “We’ve been quarrelling constantly. She’s very nitpicky with every little thing and I couldn’t breathe anymore. When I ended our relationship abruptly, I felt like I was a survivor of a train wreck. And Vanessa here is my guiding light toward recovery.” Hinawakan pa ni Daniel ang kaliwang kamay ni Vanessa para halikan ito ng mariin na sobrang ikina-delight ng press. Maagap nilang kinuhanan ng litraro ang eksenang iyon.
“Pa’no ‘yung lovechild n’yo ni Michelle? What’s his name? Owen Philip? Na-work out n’yo na ba ni Michelle kung paano mo bibisitahin ‘yung anak mo sa kanya?” Tanong ng reporter na fully dressed up na naka-suit representative ng broadsheet na Daily Express.
Umiling si Daniel. “Hindi pa. I tried talking to her about it however she’s very close-minded at the time I met up with her. Maybe later. Once she’s already on a better headspace. Para levelheaded naming mapag-usapan ‘yung mga bagay concerning our son.”
“Vanessa,” sabi naman ng isang female showbiz reporter na halatang fan ng actress dahil ogled eyes itong nakatingin kay Vanessa. “Can you confirm to us kung engaged na talaga kayo ni Daniel? All of us would like to know straight from the grapevine.”
Nakangiting nagkatinginan pa sina Vanessa at Daniel bago niya sinagot ang reporter. “Yes. We’re engaged!” Sabi ni Vanessa sabay pakita ng ring finger niya sa kaliwang kamay para ipakita ang suot niyang French cut blue sapphire halo engagement ring. May resounding sigh na narinig mula sa nakakulumpon na press people nang makita kung gaano kaganda ang suot na singsing ni Vanessa habang kinukuhanan ito ng still pictures.
“Can you tell us a brief story kung paano nag-propose sa ‘yo si Daniel?” Sunod na tanong ng female reporter.
“Sure.” Hindi na itinago ni Vanessa ang giddiness na ikuwento sa press ang pag-propose sa kanya ng fiancé. “I was staying at the Marriott on the eve of Daniel’s birthday. Ang plano kasi namin magse-celebrate kami on his actual birth date kasi nga that evening he was supposed to attend his birthday eve celebration on one of the function rooms on the same hotel. Kaya imagine how surprised I was when I saw him inside my suite. He suddenly went down on his knees and presented me this ridiculously beautiful engagement ring.” Ipinakita ulit ni Vanessa ang suot na French cut ring for emphasis. “Bakit pa ako tatanggi, ‘di ba? It’s every girl’s dream to engaged and get married one day. And Daniel is making it all come true.”
“Masarap ba sa pakiramdam na natutupad ang pangarap mo habang may inaapakan naman kayong tao?”
Na-distract si Vanessa sa nagsalita. Hinagilap niya agad ng mga mata kung sino sa mga nakapalibot na press sa table niya ang nagbanggit ng rude na question na ‘yon. Hanggang nakita niya ang elderly lady na naka-old fashioned floral dress at cardigan na masama ang tingin sa kanya. At na-sorpresa din siya dahil katabi nito ang kinaiinisan niyang reporter ng The Daily Telegraph na si Dwayne Santos. Nakangisi ito kay Vanessa na parang sinasabi nito na nakalamang ito sa kanya.
Bumaling agad si Vanessa kay Rhiannon. “Bakit andito sa press conference ‘yang si Dwayne? Akala ko ini-screen n’yo ‘yung mga attendees na press? Bakit nakalusot ‘yan?”
“Baka nag-disguise or gumamit ng different name and affliation kaya nakalusot sa mga guards. Wait. I’ll have them escorted out.” Tumayo sa conference table si Rhiannon habang nira-radyuhan ang mga guards na nakabantay sa paligid ng restaurant.
“Vanessa dela Rosa, the premier actress of the country. Why won’t you answer this poor lady’s question? How can you say you’re living your dream with a straight face when you knew all along there’s someone is suffering harshly because of your selfish feat?” Nananadyang mang-trigger na tanong ni Dwayne.
“Dwayne, you’re screwed! Gatecrashing on a press conference you’re not even invited! How low can you get?” Ginamitan ni Vanessa ng sweet tone si Dwayne habang ginatihan niya din ito ng pang-aasar.
Pero imbes na si Dwayne ang sumagot, ang elderly lady na katabi niya ang nagsalita kay Vanessa. “Hindi deserve ni Michelle Ortega ‘yung panloloko n’yo sa kanya. Kaya ako na lang gaganti para sa kanya.”
Duon lang nakita ni Vanessa na may hawak na maliit na wicker basket ang elderly lady nang dumukot ang isang kamay niya duon. Nakita din niyang dumukot ng isang itlog sa loob ng basket ang elderly lady. Bago pa naka-react si Vanessa ay nabato na sa kanya ang hawak nitong itlog. Tumama ang itlog sa left shoulder blade niya, duon ito nabasag at kumalat agad ang yolk sa fabric ng dress niya. Hindi nakapagsalita si Vanessa sa sobrang shock.
Dumukot ulit ang elderly lady ng itlog sa dala niyang basket. “Isa ka pa!” Sigaw nito na kay Daniel naman ibinato ang hawak na itlog. Tatayo na sana si Daniel para lapitan ang mga nanggugulo pero natigilan ito nang tumama ang itlog sa noo niya at duon nabasag. Kaagad kinuha ni Daniel ang handkerchief para punasan ang kumalat na yolk stain sa noo niya.
“Smile, Vanessa!” Nakangiting sabi ni Dwayne habang itinutok niya ang hawak niyang DSLR camera kay Vanessa na in shocked pa rin sa pagbato ng itlog sa kanya.
To the rescue naman si Gordon, ito ang nakatayo at nakalapit kay Dwayne. Nagulat na lang ang reporter na na-tackle na siya si Dwayne. Pareho silang lumagpak sa flooring ng restaurant. Nakipagbuno sa kanya si Gordon habang pilit na hinihiklas sa kanya ang hawak niyang camera.
Dumukot pa ulit ang elderly lady ng egg sa dala niyang wicker basket at ini-aim sana nitong patamaan ang ulo ni Vanessa pero nahawakan agad siya sa kamay ng isang security guard. Nabitawan tuloy ng matandang babae ang hawak na itlog at nabasag iyong lumagpak sa paanan niya.
“Tama na po ‘yan.” Mariing saway ng security guard sa elderly lady.
“Freedom of the press! Freedom of the press! You idiot!” Sigaw ni Dwayne habang pumipiglas sa hawak ni Gordon. “Subukan mo akong pigilan at pagpipiyestahan ka sa media bukas!”
Lumuwag ang hawak ni Gordon kay Dwayne dahil sa treat nito. Nag-scramble patayo naman si Dwayne at nakangising binigyan ng nakakatuyang tingin si Gordon na nakaluhod sa flooring habang naghahabol ng hininga.
“Takot ka, ano? Gago!”
“Paalisin n’yo na ‘yung mga troublemakers na ‘yan! Please!” Sumigaw na si Daniel na hindi pa rin lubusang natatanggal ang hulas ng yolk sa noo niya.
Parang nuon lang nagsulputan ang nalalabi pang mga guards na nakapalibot sa press conference. Pinagtulungan nilang i-escort sina Dwayne at ang elderly lady palabas ng restaurant.
“My dress! My beautiful dress!” Napasigaw na iyak ni Vanessa nang mag-sink in na sa kanya ang na-damaged niyang dress na sobra pa naman niyang ingat na ingat dahil kakabili lang niya ito sa hindi basta-bastang presyo. Hindi na niya pansin ang press people na nakapalibot na nanunuod sa kanya.
Lumapit naman agad sa kanya ang manager-friend niyang si Rhiannon para siya i-console. “Don’t worry, Vanessa. We’ll have it fix.”