Michelle's Purging Technique

2938 Words
HINDI mapigilan ni Julian ang hindi magulat sa dami ng mga gamit na ibinaba ng mga maids ni Michelle na gamit ni Daniel mula sa kuwarto sa master’s bedroom at inilalagay sa mga nakahilera na hamper sa living room. Sari-sari ang mga gamit na dala-dala ng mga maids. Mostly mga designer’s suits, casual wears, personal effects ng estranged partner ni Michelle. “Michelle, is it really necessary na i-set mo on fire ‘yung mga personal belongings ni Daniel? Puwede mo naman siyang either ipa-auction or mag-put up ka na lang ng bazaar to sell his items. Para kasing ‘pag nalaman ng media itong balak mong gawin sa gamit niya, i-play up na naman nila ‘yung image mo na may pagka-savage. Unless ‘yun talaga ang gusto mo.” Pagre-remind ni Julian sa kapatid. Nag-puff muna ng cigarette smoke si Michelle gamit ang quellazaire bago sumagot. “Do you see me as someone who cares s**t about how media perceives me, Julian? Besides, sabi ng wellness coach ko, I need to purge myself of things that give me negative thoughts and energy. And what better way to purge me of the things I hate most than by burning them, right?” “Kung hindi importante sa ‘yo ‘yung public opinion at ‘yung image mo sa media, bakit ka nag-agree sa interview with Vivienne Salonga in the first place?” Binugahan ni Michelle ng usok sa mukha si Julian. Naubo agad na pinapaypayan ng kamay ni Julian ang cigarette smoke na nag-crowd sa mukha niya. “Ako ba ang may idea nu’n? Sina Jaypee at ang staff ko lang naman ang nag-pressure sa ‘kin to do that interview, kaya napilitan ako. Saka kaibigan ko din naman si Vivienne, kaya I didn’t mind that much. Nakapag-catch up over coffee pa kami right after that interview sa Baguio.” Pagdadahilan ni Michelle. “Ako kasi ang nanghihinayang pag sinunog mo ‘to.” Sabi ni Julian sabay dampot sa isang tie na kulay red na may paisley pattern na tie sa mga nakalatag na hamper. “Ito ‘yung silk tie na binili ni Daniel nu’ng nasa London kayo last year na gustong-gusto ko!” Kitang-kita sa hitsura ni Julian na gandang-ganda ito sa hawak na tie. “Can I spare this, Michelle? Kahit ito lang?  I really like this tie!” Inagaw naman ni Michelle ang tie sa kamay ni Julian at isiniksik ito sa ilalim ng mga laman ng hamper. “Are you kidding me? ‘Di ‘pag nakita ko ‘yang suot mo, ire-remind lang  n’ya ‘yung supposed-to-be happy time namin nang nag-vacation kami sa London pero all along it’s just make-believe, a hoax. Damn it! I even had an orgasm when we had s*x at our rented apartment in Bristol. Ayoko na lang isipin kung ako ba ang nasa isip niya while he’s putting his fully erect shaft into my vulva or that gold digging motherfuckin’ bitch.” Napangiwi naman si Julian habang nakatusok ang daliri sa butas ng tainga niya. “Michelle, I’d really appreciate if you refrain from telling me the details of your s*x life with your estranged partner.” Mula sa master’s bedroom sa second floor nakarinig sila ng kalabog kasunod nito ang tunog ng kung anong item na nabasag. “This is what I’m dreading! Sinabihan ko na kasi sila countless times to avoid stepping the Persian rug sa may pinto ng master’s bedroom dahil slippery at kaka-polish ko lang ng narra flooring sa taas. Probably ‘yung bago kong helper ‘yun na si Theresa. Halos kapareho ko lang ng edad pero nag-uulyanin na.” Napalakas ng hithit sa sigarilyo si Michelle na parang duon gustong ibuhos ang stress sa possible mess na meron ngayon upstairs. Suminghot-singot si Julian. “I’m smelling Calvin Klein Eternity. Nagpalit ka ba ng perfume, Michelle? Musky pa ‘yung smell. Don’t tell me you favor men’s perfume now?” “s**t! Pabango ‘yun ni Julian. Baka du’n pa nabasag sa precious rug ko.” Bumakas agad ang magkahalong inis at worry sa mukha ni Michelle. “Julian, can you watch all these trash? I’ll just check kung ano’ng damage ‘yung ginawa nila sa second floor. And don’t even attempt to pocket any of these items. Kabisado ko lahat ‘yan.” Warning pa ni Michelle bago lumakad palapit sa stairs para tingnan ang naging commotion sa itaas. Sakto namang naglalakad na sa curving na hagdan ng bahay si Michelle nang marinig nila ang tunog ng doorbell. “Julian, ikaw na muna ang mag-check kung sino ‘yung visitor, please? ‘Pag mga reporters, just shoo them away.” Narinig ni Julian na sabi ng kapatid niya habang tuloy-tuloy itong lumalakad sa hagdan paakyat ng bahay. Siniguro muna niya na nakaakyat na sa second floor si Michelle bago kinuha ni Julian ang napagdiskitahang paisley tie kanina at casually iyong inilagay sa pocket ng suot niyang pants saka lumakad papunta sa labas para tingnan kung sino ang nagdo-doorbell sa pinto. Habang papunta ng pintuan ay iniwas pa ni Julian na maapakan niya sa pinapaandar na radio-controlled racing car ni Owen sa living room. Napansin din ni Julian na naka-on ang TV sa isang cartoon show. Mukhang Bob’s Burgers pa ang naka-broadcast sa bobtube na hindi age appropriate para kay Owen na limang taon gulang pa lang. Pero hindi naman sa TV ang atensyon ni Owen kung hindi sa nilalaro nitong RC car. “Owen, you better turn off the TV if you’ll just play with your toy car. Your Mom might get pissed at you.” Paalala ni Julian habang lumalapit sa nagdo-doorbell sa pintuan.  “I’m used to it, Tito Julian. She’s always pissed naman eh.” Sagot naman ni Owen na hindi inaalis ang tingin sa pinapaandar na toy car. Nag-roll na lang ng eyes si Julian bago binuksan ang pinto para tumigil na sa kakapindot ng doorbell ang tao sa labas. Gusto bang magka-cramps sa finger ‘ng taong ‘to at ayaw tigilan ang kaka-press sa doorbell? Nagulat pa si Julian nang mabungaran si Dexter pagbukas niya ng door. “Hey...!” Halos breathless na sabi ni Julian. “Julian.” Halatang na-surprised din si Dexter nang makita siya. “Hindi ko alam na you’re living with your monster sister.” Natawa si Julian. “Binibisita ko lang ‘yung kapatid ko. After her interview sa Baguio with Vivienne, I thought she would be a total wreck and would need my company. But apparently, she’s handling herself pretty well.” Kumunot ang noo ni Dexter. “What do you mean?” “I’ll show you. Andito sa living room ‘yung current project ng monster sister ko.” Sinundan iyon ng pagtawa ni Julian habang pumapasok sa loob ng bahay kasunod si Dexter. Pareho pa silang nag-hop on the way sa mga hampers at boxes na nakakalat sa living room para iwasan ang matulin na takbo ng minamaniobrang rc toy car ni Owen. “Mga gamit ni Daniel ito, ‘di ba?” Namimilog ang mga mata na sabi ni Dexter habang dinadampot ang isang logo appliqué vintage check cotton Harrington jacket ng Burberry. “Is she planning to donate all of these? Can I scavenge muna? Mukhang hindi pa nasusuot ni Daniel ‘yung iba dito. May clear plastic jacket cover pa ‘yung iba.” “You can ask Michelle’s permission first.” Sabi ni Julian habang casually binubuksan ang tin can ng caramel and cheese popcorn na nakapatong sa isang mesita. “Pero I’m pretty sure hindi siya papayag. Even I wasn’t allowed to get a single item from those piles.” “Anong balak niyang gawin sa mga ‘to? Don’t tell me she’s getting rid all of these?” Usisang tanong ni Dexter. Ngumiti lang si Julian sabay dina-dunk sa mouth niya ang popcorn. “Is she out of her mind? She could make a small fortune out of these? Saka how could she get rid of it? Ipapa-pick up niya sa garbage collectors? They’ll just split it among themselves and take it home. Imagine, yung garbage collector n’yo nakasuot ng Balenciaga suit jacket habang kinukuha ang mga trash can sa neighborhood n’yo?” Itinaas pa ni Dexter ang suit na hawak para i-emphasize kung gaano ka-absurd ang hypothetical situation na sinasabi niya. “Don’t concern yourself too much with those items, Dexter. No one will benefit from those things dahil gagamitin ko siyang bonfire mamaya sa backyard ko while meditating and giving myself a toast with my aged cabarnet sauvignon.” Parehong napatingin sina Dexter at Julian sa staircase. Nakita nila si Michelle na bumaba ng hagdan kasunod ang mga maids niya na dala-dala ang iba pang personal effects ni Daniel na karamihan ay mga bottles ng cologne at perfume. Inilapag sa isang mesita ni Michelle ang mga nakolektang eau de parfum bottles saka niya binilingan si Julian at hinataw ng backhand sa sikmura. Sakto pa namang naglalagay ng popcorn sa bibig si Julian kaya naubo ito. “May important matter ka bang idi-discuss sa ‘kin, Dexter na hindi suitable na i-message mo lang sa ‘kin via Viber or Snapchat that’s why you’re here? Did Daniel already played his executioner role and finally pulled the trigger to end our show?” “Well,” mukhang atubili pa si Dexter na sabihin ang news kay Michelle. “Daniel and Vanessa had their press conference earlier at Cafe 1771 in El Pueblo. Pero nothing really of substance. They just confirmed to the media that they’re engaged. I just thought you might want to know firsthand. Baka kasi magulat ka sa deluge of questions you might receive either via phone or on your personal Twitter account.” “Did they say any nasty things about me?” Very cool na tanong ni Michelle. Parang lalong naging antsy si Dexter. Unconsciously ay ginalaw niya ang collar ng suot niyang Calvin Klein dress shirt na parang biglang itong sumikip sa leeg niya. “I actually don’t remember, Michelle. They just skimmed through it, I guess. Mas focus sila du’n sa announcement ng engagement nila.” Ini-stub out muna ni Michelle ang cigarette niya sa paperweight ashtray bago sumagot. “I want to watch it.” “You know what, Michelle, I will attend a private party on Valkyrie next Friday. Baka naman puwede kong kunin itong Heron Preston jacket ni Daniel? Babagay ito sa outfit na balak kong isuot sa event.” Halatang nangda-divert si Dexter habang kinukuha nito mula sa pile ng mga gamit ni Daniel ang moleskin padded na jacket. Kinuha naman ni Michelle mula kay Dexter ang hawak nitong jacket at ibinalik ulit ito sa pinagkuhanan niyang hamper saka hinila sa braso ang executive producer niya papunta sa nakabukas na TV sa sala. Napatingin na lang si Dexter kay Julian habang mina-mouth ang word na ‘help’ sa bibig nito. Napasunod na rin tuloy si Julian sa kanila habang inuubos nito ang laman na popcorn sa hawak na tin can. “May I remind you, Dexter, ‘pag hindi ko napanuod kahit clip lang ng interview ng scumbag kong ex at ‘yung golddigger niyang fiancée, you could kiss goodbye ‘yung pinaplano mong guesting sa show ng barely legal slut mong f**k buddy.” Threatened ni Michelle nang nakaharap na sila sa giant flatscreen TV sa living room. “If you say so.” Parang hesitant pa si Dexter nang damputin ang remote control sa mesitang malapit sa TV. “My dear sister, hindi ba sinabi ng wellness coach mo na ‘ignorance is bliss’? Baka mamaya pag nakita mo ‘yung interview ng dalawa, ma-badtrip ka lang at mag-throw ka na naman ng tantrum. Para sa’n at nagbabayad ka pa ng god knows how many thousand of pesos on your meditation sessions and then you’ll end throwing everything you’ve learned out the window.” Nananatiyang payo ni Julian kay Michelle dahil mukhang fragile na naman ito sa nabalitaang latest interview nina Daniel at Vanessa. “Kulang ‘yung phrase na ‘yon, my dear brother. It’s ‘ignorance is bliss but knowledge is power’. It’s better to be up in the game and to know what I’m dealing with here, don’t you think? Kesa naman bigla na lang akong ma-blind side ng dalawa, mas lalong maa-upset ang chakra ko nu’n. And please stop munching on my caramel cheese popcorns! Snack ko ‘yan before bedtime.” Napaangat ang tingin ni Owen sa paglalaro ng RC car niya nang mapansin naglilipat si Dexter ng stations sa TV habang hinahanap kung saan channel naka-ere ang interview ng couple of the hour na sina Daniel at Vanessa. “Hey! I’m watching Bob’s Burgers!” Tumayo pa si Owen sa pagkakasalampak sa floor at tumakbo palapit sa TV, “You’re not watching, Owen. You’re playing with your toy.” Pagalit na sabi ni Julian. “This will just take a minute. May gusto lang tingnan ang Mommy mo and then we’ll switch it back to your cartoon.” Nagsa-sulk na bumalik sa pagkakasalampak sa flooring si Owen. Natiyempuhan naman ni Dexter ang live coverage ng interview sa mismong Alliance Network ni Daniel. Naabutan nila ang pagbanggit ni Daniel na hindi nito napanuod ang interview ni Michelle kay Vivienne Salonga dahil wala itong time. Ang pagsabi ni Vanessa na hindi nito pinanuod lahat ang interview dahil ayaw niyang paaksayahan panuorin ang pagpe-play victim ni Michelle on national TV. Pero ang pinakatinamaan si Michelle ay ang pagbanggit ni Daniel na parang itong naka-survive sa train wreck after nitong tapusin ang relationship kay Michelle. At si Vanessa ang naging beacon of light ni Daniel sa pag-recover sa nasirang relasyon. Napakurap-kurap si Michelle nang marinig ang mga statements na ‘yon mula kina Vanessa at Daniel. After ng mga sacrifices at adjustments na ginawa niya para kay Daniel, siya pa ang pinapalabas na villain ngayon ng dalawa. The audacity of those two! Napansin agad ni Dexter na naapektuhan si Michelle sa napanuod ng interview. “Napaka-masochista mo kasi, Michelle. At the heels of your interview with Vivienne, it would be unhealthy to watch these two make their own retaliatory statements.” Napa-snort lang si Michelle sa sinabi ni Dexter. “Don’t kid yourself, Dexter. I’m perfectly fine.” Nang makita sinusuri ni Dexter ng maigi ang mukha niya ay pinagmukha niyang defiant ang mukha. “I am, really.” Nagbaba ng tingin si Michelle at pasimpleng pinunasan ng kamay niya ang namumuong tears sa mga mata niya. “I just need to make a phone call, gentlemen. Excuse me.” Hindi na hinintay ni Michelle na sumagot ang dalawa at lumakad na ito palayo sa salas. Napasunod na lang ang tingin nina Dexter at Julian kay Michelle. “I couldn’t blame Daniel though. Just look at Vanessa with that outfit, bro! She looks stunning. I remember may utang pala sa ‘kin ‘yang si Daniel. He hasn’t given me ‘yung autograph ni Vanessa na ni-request ko sa kanya nu’ng nasa Hilton pa tayo.” Sabi ni Dexter na nakatingin ulit sa screen ng TV. Masamang tiningnan ni Julian si Dexter. “Kailangan banggitin mo ‘yan ngayon? Right after what they did to my sister with that overly ostentatious announcement? And you might be forgetting, you’re at my sister’s house at this very minute!” “Julian, relax! It’s just my subjective self talking.” Nakataas pa ang dalawang kamay ni Dexter na parang nagde-declare ito ng surrender. “Saka you’re there when I told Daniel na I’m a big fan of Vanessa right before this relationship brouhaha with Michelle started up. I’m just fanboying, that’s all. Nothing personal.” Sinimangutan lang siya ni Julian. Hindi kumbinsido sa reasoning ni Dexter. “Can you put it back to my cartoon, please?” Sabi ni Owen sa kanila kahit naglalaro pa rin ito ng toy car. “Certainly.” Sabi ni Dexter. Pero nang ililipat na niya pabalik sa cartoon ang channel ay saka nila nakita sa screen ang ginawang pambabato ng isang elderly spectator ng eggs kina Vanessa at Daniel. Hanggang sa mapigilan ito ng isang security na ibato ang nalalabing itlog na dala niya sa basket. Pati na rin ang pag-tackle ng isa sa mga panellist na katabi ni Daniel sa table sa isang male reporter na nangtutuya kina Vanessa at Daniel. Parehong flabbergasted na nakatingin sa screen sina Dexter at Julian. “Oh, my god!” Nasabi ni Dexter na nabitawan ang hawak na remote na buti na lang ay sa soft cushion ng sofa ito lumagpak. “I better tell Michelle about this!” At patakbong umalis ng living room si Dexter para hanapin si Michelle at mag-report dito ng na-witness sa TV. Tuluyan nang nakalimutan ibalik ang TV sa cartoon channel.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD