Daniel Hates Duchess. Michelle Confronts Vanessa

2027 Words
NASA Fully Booked sa Bonifacio High Street si Vanessa. Sa BGC kasi nila napagkasunduan mag-meet ni Daniel para makapag-quick dinner sila duon bago puntahan ang isang bridal shop sa Greenbelt kung saan nagpa-customize ng wedding gown niya si Vanessa. Sa Taguig din kasi ang meeting ngayon ni Daniel sa mga top brass ng f*******: Philippines sa may Menarco Tower para i-discuss ang mga new innovations na puwedeng i-integrate para ma-promote pa to a wider audience ang mga shows sa kanyang Alliance Network. Tumitingin sa shelves ng mga bestsellers si Vanessa nang tumawag sa kanya si Daniel. “Are you bored already? Sa’n ka nagpapalipas ng oras?” Concerned na tanong agad sa kanya ni Daniel matapos sagutin ni Vanessa ang phone. “Not really. I’m here at Fully Booked. Baka bumili ako ng libro and might grab a doughnut and coffee sa Krispy Kreme while waiting for you. Mukhang matagal ka pa d’yan, eh.” Sagot naman ni Vanessa habang pinapasadahan ng tingin ang cover ng bagong labas na Kevin Kwan book na s*x & Vanity. “Sorry, Babe. I’ll whisk away here as soon as matapos ‘tong meeting ko with country director. Pero don’t eat too much sweet. Baka mawalan ka na ng appetite on our actual dinner. Saka baka hindi mag-fit sa ‘yo yung gown na ipinasadya mo pa kay Ricky Meneses when we drop by his shop later.” Ang couturier na kinontrata nila para sa isusuot na gown ni Vanessa ang tinutukoy ni Daniel. “Stop that! Kaya nga I’m going the pescatarian route momentarily so I won’t have problems with the gown that I’ll wear on our wedding day.” Kunwaring naggalit-galitan si Vanessa sa panunukso ng fiancé. “Babe, hindi ko pala nasabi sa ‘yo kanina pero I brought Duchess with me. Hope you don’t mind.” “Yung poodle mong galit na galit sa ‘kin? Baka naman hindi tayo makakain ng maayos niyan sa restaurant dahil panay natin sasayawin ang pangungulit niyan. And si Ricky, baka ayaw niya ng may pet animal sa shop niya.” Nakaisip agad ng isang-libo’t isang dahilan si Daniel para makunsensiya si Vanessa at iuwi muna ang alagang aso pabalik sa condo niya. “We’ll order something for Duchess para she won’t bother you or anyone. As long as she has something to chew, hindi naman siya magiging nuisance, I think. And with Ricky, close naman kami nu’n. Saka I always order some ready-to-wear shop at his boutique. Baka naman pagbigyan naman niya ako this time to bring Duchess along.” Nakaisip din agad ng mga rason si Vanessa sa pagdadala niya sa alagang aso. “Bakit kasi hindi mo na lang ‘yan iniwan sa condo mo sa Capitol Commons?” Halatang upset si Daniel sa pag-iisip pa lang na maiistorbo ang pag-spend niya ng time sa fiancée ng nakakairitang alaga nito. “She’s making this awful yapping sounds nung ma-notice niyang paalis na ako ng condo. You can’t expect me to just leave her there. Magi-guilty lang ako all throughout the day. I have to bring her along.” Sagot ni Vanessa na kinipit ang naunang nadampot na libro para dumampot pa ulit ng isa pa sa shelf. “If she poop sa loob ng shop ni Ricky, you’ll clean it yourself, ha? Are we clear?” Hindi na napigilang mag-pout ni Vanessa. “You’re really mean to Duchess. Kaya she’s aloof whenever you’re around, nase-sense niya na hindi mo siya gusto.” “I’m not a dog whisperer like you, Vanessa. And I’m not really a pet person anyway. Well, see you later. I’ll message or call once nag-wrap up na kami rito.” “Bye.” Matamlay na sagot ni Vanessa. Nagwi-wishful thinking na naging dog lover sana si Daniel para hindi ito ngilag sa tuwing isinasama niya si Duchess sa mga lakad nila. Kumuha pa ng isa pang libro si Vanessa sa shelf bago pumunta sa cashier para bayaran ang mga pinamili. Saka niya pinuntahan si Duchess na pinakusapan niya sa guard ng bookstore na bantayan para sa kanya habang namimili siya sa loob. Naglikot naman agad si Duchess nang sunduin niya ito sa entrada ng bookstore. ********** GAYA ng paalam ni Vanessa kay Daniel kanina, nagtungo siya sa Krispy Kreme branch pagkatapos niyang bilhin ang mga libro sa bookstore para duon hintayin ang fiancée. Naaliw pa si Vanessa sa panunuod ng mga doughnuts na pine-prepare sa glazing machine habang umaandar sa conveyor belt kaya kailangan pang tawagin ang pansin niya ng staff sa counter para kunin ang order niya. Over iced mocha, New York cheesecake doughnuts at original glazed doughnuts lang ang inorder niya. Naglikot ulit si Duchess na iniwan niya sandali sa outside dining ng doughnut shop nang lumabas na siya dala-dala sa isang tray ang mga orders niya. Matapos tikman ni Vanessa ang New York cheesecake doughnut ay pumiraso siya para pakainin si Duchess na eargerly naghihintay ng ibibigay sa kanyang morsels. Dahil okupado si Vanessa pakainin ng portion niya ng doughnut ang alagang poodle ay hindi niya napansin na may umupo sa bakanteng silya sa table niya. Kaya nagulat siya nang makita si Michelle na disapproving nakatingin sa kanya matapos niyang pakainin si Duchess. “You scared me.” Breathless pang napahawak si Vanessa sa chest niya. Bukod kasi sa biglang pag-appear ni Michelle ay striking din ang suot nitong wide-brimmed dark sun hat at dark smock dress. Equally dark din ang make-up ni Michelle at colorful rhinestone jewelry. Akala mo tuloy ay a-attend ito ng masquerade party instead na mag-i-stroll lang sa commercial area na ito ng Taguig. Fixated na nakatingin si Michelle kay Duchess na busy sa pagkain ng crumbs ng donut sa lapag bago nito binalingan si Vanessa. “Do you really know how to take care of your dog, Vanessa?” “Excuse me?” Nakaarko ang dalawang kilay ni Vanessa dahil hindi iyon ang inaasahang sasabihin sa kanya ni Michelle sa encounter nila ngayon. “Masama sa dogs ang doughnuts. It’s very high in sugar and fats. It doesn’t sit well in their stomach. Baka magkaroon ng indigestion or diarrhea ‘yang poodle mo. Unless you don’t really care for the dog and you’re just bringing her along for aesthetic purposes or you’re just really poor at research.” Bumalik ulit ang tingin ni Michelle kay Duchess. “Poor dog! Slowly being poisoned by its owner without even knowing it.” “I’m not in the mood for chit-chat, Michelle. And whatever dog-related insights you have, just keep it to yourself. Hindi ako interesadong pakinggan.” Ginawang firm ni Vanessa ang boses para mahalata ni Michelle na unwelcome ang presence nito sa kanya. Uminom muna si Michelle sa sariling take-away cup nito ng coffee sa kalapit na Starbucks bago sumagot. “Is that how you repay me by playing a good Samaritan? Fine, ‘pag nag-poop ‘yang dog mo sa lovenest n’yo ni Daniel, don’t tell me I didn’t warn you. Sensitive ang ilong ni Daniel sa dog’s s**t. He might get pissed and quarrel you over it. On second thought, wouldn’t that be funny? You two calling off your wedding all because of a dog’s poop.” Saka natawa ng malakas si Michelle. Annoyed na pinanuod ni Vanessa ang pagtawa ni Michelle saka nito kinuha mula sa shopping bag ang binili niyang libro kanina. “If you mind, Michelle, I’d rather be alone. I’m just waiting for Daniel to arrive from his meeting nearby. ‘Pag naabutan ka niya dito, baka isipin pa niya close na tayong dalawa at i-suggest pa niya na isama ka sa list ng wedding entourage namin. ‘Yun ang mas nakakatawa, ‘di ba?” Nag-iba agad ang mood ni Michelle. Kung ganado siyang asarin kanina si Vanessa parang nakapalitan na ngayon ng mesa at siya naman ang ubod na naasar sa naging remark ng kaharap. Dinampot niya ulit ang iniinumang takeaway coffee cup para ihagis ang mainit na laman nito kay Vanessa. “You cocksuckin’ b***h!” Matinis ang boses na sabi ni Michelle pero bago pa siya makaporma ay may matipunong kamay na agad pumigil sa balak niyang pagtapon ng kape kay Vanessa. Sa tindi ng pagkakahawak nito sa kamay niya ay namanhid sa sakit ang kamay ni Michelle na may hawak sa takeaway cup. Umaaringking sa sakit na nabitawan na ng tuluyan ang paper cup at bumagsak ito may paa niya. Nang masigurong safe na si Vanessa sa balak ni Michelle na pagsaboy ng mainit na kape dito ay saka lang siya binitawan ni Daniel na dumating sa doughnut shop na hindi namalayan ng dalawa dahil busy sila sa sariling pagdidiskusyon. “You could hurt me all you want, Michelle. Even attack me in social media. I don’t f*****g care! But stay the hell out of my fiancé! You hear me?” Seryoso ang boses ni Daniel na humila ng isang upuan para tumabi kay Vanessa habang tinitingnan ng masama si Michelle. Naka-recover naman agad sa pagka-shock si Michelle sa biglang paglitaw ng ex-partner. Napalitan agad ng hurt at pagse-self pity ang aura niya. “You were never been this protective of me when we’re still together, Daniel. Do you have to let me witness your chilvary for her? Don’t you realize how hurtful I feel right now seeing you two seating together?” “You were about to scald my fiancée with your puny little cup of latte, Michelle? What am I suppose to do? You don’t expect me to just let you harm her, do you? And please quit those melodramatic quips! Mas lumalabas ka lang na pathetic kesa sympathetic.” “I’m just getting even, dammit! Besides, what’s getting scalded by a burning cup of coffee compared to the hurt you two gave me? Up until now, I’m still bearing this shamefaced humiliation you brought me when you decided to stood up your own f*****g birthday celebration I meticulously prepared, mind you!” Naluluha na si Michelle habang minamasahe ang kamay niyang nahawakan ng madiin ni Daniel. “See! You just confess how a sore loser you are, Michelle. You think burning my personal things and making a circus out of it on social media will reverse anything? Hell, no! I’m still marrying Vanessa while you will still be alone in your king-size bed in the condo I’m still paying for and f*****g with your vibrating d***o!” Galit na talaga si Daniel dahil bukod sa pagtaas ng boses ay nagawa niyang pasakitan si Michelle sa fetish nito sa s*x toys. “f**k you! Stop it!” Itinakip pa ni Michelle ang dalawang kamay sa tainga at pumikit ng mariin hoping sa gesture niyang iyon ay itigil na ni Daniel ang pag-atake sa kanya. “Ano ‘yung narinig ko? She burned your things?” Namimilog ang mga mata ni Vanessa na napatingin kay Daniel. “Ikuwento ko sa ‘yo mamaya. Let’s get out of here. Du’n na tayo sa Greenbelt kumain. Ayoko na dito. This place suddenly stinks!” Parang idinura pa ni Daniel ang huling sinabi kay Michelle bago hinila si Vanessa patayo. Hindi maiwasang lingunin ni Vanessa si Michelle habang hawak siya ni Daniel sa paglalakad palayo sa doughnut shop. Hindi na kasi napansin ni Michelle ang pag-alis nila ni Daniel dahil okupado ito sa outburst of emotions na lumalabas sa kanya. She’s on crack. Huling naisip niya bago binawi ang tingin sa ex ni Daniel. Si Duchess naman na halos makaladkad sa leash nito dahil sa paghila ni Daniel kay Vanessa ay panay naman ang kahol kay Michelle habang palayo sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD