Chapter 41

1664 Words

NAPAKUNOT ng noo si Amarah nang makarinig siya ng pag-doorbell mula sa labas ng penthouse ni Daxton. Wala kasi siyang inaasahan na bisita. At wala din sinabi si Daxton na magiging bisita nito ng sandaling iyon. At kung mayro'n man ay sigurado siyang hindi sa penthouse dederetso ang bisita nito, kundi sa opisina kung nasaan si Daxton ng sandaling iyon. Pumasok kasi si Daxton sa opisina ngayon at hindi na siya nito pinapasok dahil nga sa nangyari sa kanya. Okay naman na siya, nakakatayo at nakakapaglakad na siya ng maayos. Pero sinabi ni Daxton na magpahinga na lang muna siya sa penthouse, saka na lang daw siya pumasok sa trabaho kapag okay na talaga siya. Hindi naman niya pinilit ang sarili dahil sa tingin niya ay hindi naman siya nito papayagan. Kaya nanatili na lang siya sa penthouse

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD