Chapter 99

1220 Words

"I'M sorry." Gustong magmulat ni Amarah ng mga mata ng sandaling iyon ng marinig niya ang sinabing iyon ni Daxton sa kanya ng maramdaman niya ang pagtabi nito sa kanya, naramdaman nga din niya ang paghaplos nito sa pisngi niya. Pero nanatoli siyang hindi gumagalaw at nanatili ang mga mata niya na nakapikit at nagkunwaring tulog. Hindi pa kasi niya kayang kausapin si Daxton ngayon dahil nasasaktan siya sa pag-i-indiyan nito sa usapan nila kanina. Umasa pa naman siya at umasa ang pamilya niya na makikila na ng mga ito ang special someone niya--ito, pero hindi sila sinipot ni Daxton dahil nga sinabi nitong may emergency. Akala naman niyang kung anong klaseng emergency na iyon, nag-alala pa siya. Iyon pala ay dahil kasama nito si Naia. At bakit hawak-hawak ni Naia ang cellphone ni Daxton?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD