NANATILING mulat ang mga mata ni Amarah habang hinahalikan siya ni Daxton sa labi. At dahil mulat ang mga mata ay kitang-kita niya ang nakapikit na mga mata nito habang abala ito sa paghalik sa kanya. Ramdam ni Amarah ang bawat paggalaw ng labi nito sa kanya. At nang kagatin nito ang ibabang labi ay kusa na ding pumikit ang mata para namnamin ang halik na pinagkakaloob nito sa kanya. At kasabay ng paghawak niya sa braso nito ay ang pagbuka niya lalo ng labi para bigyan ng kalayaan si Daxton na halikan siya. At nang maramdaman nito iyon ay agad nitong ipinasok ang dila sa loob ng bibig niya at gumalugad iyon doon. She couldn't help but stifle a moan of pleasure. Gumapang nga ang pataas ang isang kamay ni Daxton patungo sa batok. He pulled her closer and deepened the kiss. He kissed he

