"GOOD job, Amarah." Nakangiting salubong na bati ni Moises sa kanya ng makarating siya sa backstage pagkatapos niyang rumampa para sa Masquerade Magic theme. Right now, Amarah was wearing a silver sleeveless mermaid-style gown. Medyo see through iyon kaya visible ang balat ng katawan niya. Nagningning din nga ang mga crystal na design ng gown. At dahil masquerade theme iyon ay may suot din si Amarah na silver na mask na natatakpan ang kalahating mukha. Nakalugay din ang mahabang buhok niya na may malalaking kulot sa bandang dulo. The gown she wore was breathtaking. It hugged her body perfectly, showcasing her curves in all the right places. Kanina noong hindi pa siya ang rumarampa sa catwalk ay sobra siyang kinakabahan pero nang rumampa na siya ay biglang nawala kaba na nararamdaman

