NANG masiguro ni Amarah na tulog na si Daxton ay lumabas siya ng kwarto habang bitbit ang heels na ginagamit niya sa tuwing may practice sila sa pagrampa. Hindi pa naman inaantok si Amarah kaya naisipan muna niyang mag-practice na maglakad na suot-suot iyon. Gusto niyang sanayin ang sarili na nakausot ng heels para sa ganoon ay hindi siya mapahiya sa manunuod ng fashion show. Isang linggo na lang kasi ay ang fashion show na. At habang dumadaan ang araw ay mas lalo siyang kinakabahan. Alam kasi niyang hindi basta-basta ang imbitado sa fashion show. Alam niyang malalaking pangalan ang imbitado. Idagdag pa na imbitado din ang pamilya ni Daxton sa nasabing fashion show. Kaya kailangan niyang galingan, hindi din dahil naroon ang mga ito, kung hindi dahil siya ang gusto ni Chelsea na magsuo

