DOON lang pinakawalan ni Amarah ang luhang kanina pa niya pinipigilan pagkapaosk niya sa loob ng banyo pagkatapos siyang kausapin ng HR Manager tungkol sa nangyari. Walang ideya si Amarah kung paano napunta sa bag niya ang envelope na naglalaman ng pera ni Cristy. Hindi niya kinuha ang perang benebentang nito sa kanya. Pero paano siya paniniwalaan kung nakita mismo sa loob ng bag niya ang sobre? Mas lalong bumuhos ang luha sa kanyang mga mata nang akusahan siya ni Cristy na magnanakaw, lalo na nang makita niya ang pagka-dismaya na bumalatay sa mga mata ng HR Manager nang makita ang ebidensiya. Sinubukan naman niyang ipagtanggol ang sarili at sinabing hindi niya kinuha at hindi niya alam kung paano napunta sa bag niya iyon. Pero dahil nga kitang-kita ang sobre sa bag niya ay hindi s

