IKINUYOM ni Daxton ang mga kamao nang matapos niyang makausap si Attorney Enriquez nang tawagan siya nito tungkol sa pinapagawa niya dito. Sinabi ni Attorney Enriquez sa kanya na nagsampa din ng kaso ang pamilya ni Ronald sa pananakit na ginawa niya dito. May ebidensiya din daw na isunumite ang pamilya nito sa korte laban sa kanya. At galing iyon sa ospital kung saan ito naka-admit. Pero sa tingin ba ng pamilya ni Ronald na mananalo ang mga ito sa kanya? Damn. He is Friedrich Daxton De Asis. He is De Asis, the last name that everyone fears to cross. Dahil pagdating sa business world, isa ang pamilya nila sa kinatatakutan. Wala silang ina-atrasan. And when someone crosses them or their family, they unleash war. They're tested and proven in that regard. Muli niyang dinampot ang cellphon

