NAGPAKAWALA ng malalim na buntong-hininga si Amarah bago siya bumaba ng kotse. Medyo naka-conscious naman siya ng maramdaman ang paninitig sa kanya ni Daxton nang makababa siya. There was something in his eyes at that moment that she couldn't quite put her finger on. "Let's go?" yakag na nito sa kanya. It's friday night. At naimbitahan si Amarah ni Mommy Dana na dumalo sa family dinner ng mga ito. Every friday night pala at may dinner ang magpapamilya. Naimbitahan na siya ni Mommy Dana noong birthday party ni Sir Frank at kaninang umaga ay tumawag ito kay Daxton para i-remind ang tungkol sa family dinner. Tumango naman si Amarah bilang sagot. At nang humakbang na si Daxton papasok sa loob ng mansion ay sinundan na din niya ito. At bago pa sila tuluyamg nakapasok sa loob ng mansion a

