TUMINGIN si Amarah sa kanyang likod ng makarinig siya ng mga yabag. At mayamaya ay nakita niya ang pagpasok ni Daxton sa loob ng kusina, mukhang kagigising lang nito dahil magulo pa ang buhok nito. At pagpasok ay agad tumuon ang tingin nito sa kanya na para bang nagtungo lang ito doon para makita siya. "Morning," bati niya dito. "Good morning," ganting bati din nito. "Walang pasok. Bakit ang aga mong nagising?" tanong nito sa kanya. "Uuwi ka ba sa inyo?" Umiling naman siya. "Hindi ako uuwi," sagot niya kay Daxton. At dahil nakatingin siya dito ay may napansin siyang kakaiba na bumalatay sa mga mata nito. Pero hindi naman siya sigurado sa nakita dahil sa minsang pagkurap ay naglaho ang kakaibang emosyon na bumalatay sa mga mata nito. "Hmm...pero aalis ako. Tumawag kasi si Chelsea

