TUMAAS ang isang kamay ni Daxton para sapuhin ang ulo ng maramdaman niya ang pananakit niyon ng magising siya. Para iyong binibiyak sa sobrang sakit. Nanatili nga siya sa ganoong posisyon hanggang sa nagmulat siya ng mga mata at bumangon mula sa pagkakahiga niya sa kama. At akmang bababa siya ng kama ng matigilan ng mapansin na hindi iyon ang kwarto sa penthouse niya. Kundi kwarto niya iyon sa mansion nila. Why is he here? Pilit namang inaalala ni Daxton kung paano siya napunta doon, kung bakit siya nakauwi sa mansion. Ang huling natatandaan niya ay nagtungo siya sa bar para uminom. Gusto kasi niyang mawala iyong sakit na nararamdaman ng puso kahit na saglit lang, alam niyang hindi solusyon ang alak para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Pero gusto niyang kahit na saglit ay

