"KUYA Daxton?" Mula sa pagba-browse ng cellphone ay nag-angat ng tingin si Amara sa dereksiyon ng pinto ng marinig niya ang boses na iyon na tinawag ang pangalan ni Daxton. At hindi niya napigilan ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso nang makita niya ang gwapong mukha nito. At dahil nakatingin siya dito ay nakita niya ang pag-ngiti ni Daxton sa kapatid. "Good evening," bati ni Daxton kay Amadeo sa buong-buong boses. "Ano pong ginagawa niyo dito, Kuya Daxton?" nagtatakang tanong ng kapatid sa lalaki. Hindi naman masisisi ni Amarah si Amadeo kung magtaka ito kung bakit naroon na naman si Daxtom sa bahay nila. Hindi pa din alam ng mga ito ang tungkol sa relasyon nila. Hindi pa din nila nasasabi na si Daxton ang ama ng pinagbubuntis niya. Pero wala naman silang balak na itago iyon.

