ABALA sa pagsusuot si Daxton sa kanyang necktie nang marinig niya ang tunog ng doorbell sa labas ng penthouse niya. Hindi niya napigilan ang mapakunot ng noo. Wala kasi siyang inaasahan na bisita ng sandaling iyon. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Daxton nang humakbang siya palabas ng kwarto para tingnan kung sino ang nasa labas ng penthouse niya. "Friedrich." "Mom, what are you doing here?" tanong niya nang makita niya ang ina ng buksan niya ang pinto ng penthouse. Sumulyap nga din siya kay Ate Denisse na kasama nito ng sandaling iyon. "Visiting you," sagot ni Mommy Dana sa kanya. "Linggo ngayon, Friedrich? May meeting ka ba?" singit na wika ni Ate Denisse sa kanya nang makita nitong bihis na bihis siya. "Are you still working even on Sundays, Friedrich?" Hi

